Prayer of a student teacher

Panginoon,

Maraming salamat po sa lakas at talino na iyong ibinibigay sa aming mga gurong nagsasanay na aming nagagamit sa pangaraw-araw na pagtuturo. Patuloy mo pa po kaming tulungan na makita ang mga kakayahan na mayroon ang bawat mag-aaral na aming tinuturuan sapagkat ang paniniwala nila sa kanilang sarili ay mas higit pa sa mga grado na aming ibinibigay.

Nawa’y pagpalain pa ninyo ang mga guro, na walang kapaguran na nag-aaral mula umaga hanggang gabi para lamang maibigay ang nararapat na kaalaman na kinakailangan ng mga mag-aaral. Patuloy mo pa po sila bigyan ng lakas at talino para sa kanilang walang sawa na pagmamahal sa kanilang napiling larangan.

Gabayan po ninyo ang bawat estudyante na aming tinuturuan, bigyan niyo po sila ng talino upang sila ay lalong matuto hindi lamang sa loob ng silid aralan kundi magamit ito sa labas ng paaralan at magkaroon sana sila ng inspirasyon upang lalo pa nila paghusayan ang pag-aaral upang kanilang makamit ang kanilang mga pangarap,  

Amen.

No comments:

Post a Comment

My Practice Teaching Portfolio Entries Click the Pages above to see my post ☝🏼️⬆️ Thankyou!